Mahaba-habang pakikipagtalo sa sarili bago ko tuluyang mai-post ‘tong video na to. Pero sa naisip ko, kailangan niyo rin talaga ‘to malaman. Masyado nang malayo yung pinagsamahan natin para hindi ko kayo isama sa byahe na ito. Medyo malubak lang at matarik kumpara sa mga naunang byahe. Pero kapit lang.

Message ni Emman sa post nya…..

Na shock ang lahat ng binalita ni Emman Nimedez, na mayroon syang Acute Myeloid Leukemia sa YouTube post nya ngayon araw na to. Nagulantang ang mga pamilya, kaibigan ang buong fans nya.

Kasama ka sa dalangin namin palagi, gayon pa man, marami ang nag bigay ng suporta sa kanya, wag ka mawalan ng pag asa Emman, patuloy kaming susuporta at mag darasal sa iyong pag galing, nandito lang ang mga pamilya mo at mga kaibigan mo na mag darasal para sa ikakagaling mo, hindi ka papabayaan ng Daddy mo na si Kuya Louie,

Nnaging parte ka ng Filipino Vines, simula nung sumali kayo sa maliit na community namin noon, iilan palang kayo nun kasi bago palang din natanyag ang Filipino Vines Community at naging close kayo ng mga VINERS, tuwang tuwa kami ng makita kayong masya na nag cocollab, gumagawa ng content sa gitna ng kalsada at pinapaalis tayo ng mga guard hahaha! naalala ko pa yun, HOY HOY! ALIS KAYO DYAN! Hahaha! Ang saya nun!

Nung nag Davao tayo, nag collab tayo kay Tatay Digong, yung pinakain ko kayo ng durian! sukang suka si Pau! hahahah! Priceless!!! atsaka syempre yung naka-collab natin ang mga viners na taga davao, taga cebu, super saya sarap balik balikan yung alala-alang yun. Hindi ko yun makakalimutan. Promise!

Lakasan mo ang loob mo! Wag kang susuko! Ipag-laban mo! Narito lang kami palagi mga kaibigan mo na susubaybay sayo. Maraming Salamat!

Filipino Vines Online Radio

Filipino Vines WEB RADIO PLAYER