Isang original song from MNTKLYA “BUHOS”

Madaming makaka relate sa kantang ito, para ito sa mga EX natin na SINUNGALING! at sa mga di makuntento sa ISA! itong kanta ay para sa inyo! Hahaha! Nakakatawa na masakit no? Ganyan kayo eh! PAASA!!!

Lyrics:

Pa’no ba dumating sa ganito?
Akala ko hanggang dulo na tayo
Kaya ba kung ako na lang ang kumakapit
Parang di na rin kaya pang ipilit
Pero kahit ganito, tuloy lang ikot ng mundo
Habang patuloy na lumalakas ang buhos ng ulan
Lalong ‘di pa rin kita maalis sa isipan
Nagtatanong kung bakit mas pinili mong lumisan
Pero titigil din itong ulan
Nasayang lang ang pagkakataon
Lahat ng panahon
Pa’no na? Kaya pa ba?
Sakit palang umasa sa akala mong meron pa
Pero kahit ganito, tuloy lang ikot ng mundo
Habang patuloy na lumalakas ang buhos ng ulan
Lalong ‘di pa rin kita maalis sa isipan
Nagtatanong kung bakit mas pinili mong lumisan
Pero titigil din itong ulan
Habang patuloy na lumalakas ang buhos ng ulan
Paunti-unti na kitang nalilimutan
Hindi na nagtatanong
Tumila na
Habang patuloy na lumalakas ang buhos ng ulan
Lalong ‘di pa rin kita maalis sa isipan
Nagtatanong kung bakit mas pinili mong lumisan
Pero titigil din itong ulan
Titigil, titigil
Pipilitin nang tumigil, pipilitin nang tumigil
Titigil din ito

Filipino Vines Online Radio

Filipino Vines WEB RADIO PLAYER